Pagproseso ng DOLE sa tulong pinansyal sa mga manggagawa, tuloy kahit na Semana Santa

Mananatiling bukas ang tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) kahit pa ngayong Semana Santa.

Ayon kay Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ito ay para ma-proseso ang one-time 5,000-peso subsidy ng DOLE para sa kanilang COVID-19 Adjustment Measures Program o CAMP.

Ayon pa kay Nograles, may kasunduan na sila sa Land Bank para sa mabilis na pagre- release ng nasabing pondo at agad na maipasok sa ATM ng mga apektadong manggagawa.


Sa pinakahuling datos mula sa DOLE, nakatanggap na ang nasa 139,003 regular at non-regular formal workers ng financial assistance mula sa pamahalaan.

Facebook Comments