Pagproseso ng investment pledges, pabibilisin ng pamahalaan para makalikha ng mas maraming trabaho

Pabibilisin ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pagproseso sa investment pledges upang makagawa ng mga dekalidad na trabaho para sa mga Pilipino.

Ito’y kasunod ng pagtaas ng employment rate ng bansa para sa buwan ng Pebrero.

Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, tinututukan ng administrasyong Marcos ang mga polisiyang nakasentro para sa kapakanan ng tao at paghikayat ng marami pang pamumuhunan.


Ipatutupad din ng mga pamahalaan ang pagtugon sa mga hamon sa pamumuhunan lalo na sa priority sectors tulad ng renewable energy at critical minerals.

Makakatulong aniya ito sa pag-angat pa ng labor market ng bansa para magkaroon ng maayos na trabaho at malaking kita ang mga Pilipino.

Facebook Comments