Pagproseso ng mga passport, pansamantalang suspendido sa Lunes

Nag-abiso sa publiko ang Department of Foreign Affairs – Office of Consular Affairs (DFA-OCA) kaugnay sa suspensyon ng kanilang operasyon sa Lunes, May 25, 2020.

Ito ay bilang pag-obserba sa Eid’l Fitr o Feast of Ramadan ng mga kapatid nating Muslim kung saan ito ay isang regular holiday.

Muling magbubukas ang operasyon ng DFA-OCA sa Martes, May 26, 2020.


Ang mga aplikante naman na may appointment sa Lunes ay pinapayuhan na bumalik sa Martes para ma-accommodate sila sa regular office hours.

Ang may mga emergency naman na pangangailangan ay pinapayuhan na tumawag sa consular office.

Facebook Comments