Pagproseso ng pagsasailalim sa WPP sa pamilya at biktima ng pangmomolestiya ng pari sa Marikina, bibilisan ng DOJ

Manila, Philippines – Tiniyak ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na bibilisan nila ang pagproseso sa aplikasyon para sa Witness Protection Program ng pamilya at biktima ng pangmomolestiya ng pari sa Marikina City.

Ayon kay Aguirre, nakakatanggap na kasi ng panggigipit ang pamilya ng biktima.

Kahapon, nagsampa na ng kasong qualified trafficking in persons sa DOJ ang Public Attorney’s Office laban kay Msgr. Arnel Lagarejos.


Kasama sa mga ebidensyang gagamitin laban sa pari ang mga mensahe sa cellphone at Facebook account ng trese anyos na biktima.

Bukod sa pari, kinasuhan din ng PAO ang apat na iba pang sinasabing mga bugaw.

Facebook Comments