Pagproseso ng pasaporte ngayong araw, kanselado muna – DFA

Manila, Philippines – Dahil sa masamang lagay ng panahon at suspensyon ng palasyo ng Malakanyang ng trabaho sa mga govt. offices.

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs na wala o sarado din ang kanilang opisina.

Partikular sa DFA’s Main Consular Office sa ASEANA (Pasay City) mga Satellite Offices and Regional Offices sa Metro Manila, CALABARZON at Region 3.


Kasunod nito pinapayuhan ng DFA ang mga mag-aaply o mag-rerenew ng kanilang pasaporte.

Ayon sa DFA sa mga aplikante na mayruong confirmed appointments ngayong araw, maaari parin silang mag apply o magrenew ng kanilang passports hanggang Oct 11 kahit na wala silang bagong appointment mula sa ahensya

Kinakailangan lamang dalhin ang print out copy ng kanilang confirmend appointment at requirements para sa kanilang passport application.

Facebook Comments