Pagproseso ng PWD IDs sa QC, itinigil pansamantala dahil sa nadiskubreng pang-aabuso

Itinigil muna ng Quezon City Local Government Unit (LGU) mula ngayong araw hanggang biyernes ang pagproseso ng Persons with Disability (PWD) Identification cards.

Ito’y upang mabigyang daan ang pagbuo ng bagong guidelines para maiwasan ang pang-aabuso sa pamamamahagi nito.

Ang hakbang ng Quezon City LGU ay ginawa matapos madiskubre na may anim (6) na hindi kwalipikadong indibidwal ang naisyuhan ng PWD IDs noong 2018 nang walang isinumiteng mandatory requirements.


Ayon kay City Atty. Niño Casimiro, iniimbestigahan na ang kaso matapos matukoy ang anim (6) na personalidad at sinasabing nagbayad ng P2,000 ang mga ito para makakuha ng PWD IDs.

Alam na rin ng City Hall kung sino ang nagbigay ng ID cards at inisyuhan na ng show-cause.

Binigyan lamang ito ng 72 oras para magpaliwanag.

Sabi pa ni Casimiro, posibleng mahaharap sa kasong ‘Grave Misconduct’ ang empleyado o opisyal na gumawa nito na posibleng ikasibak niya sa kanyang trabaho.

Facebook Comments