Minamadali na ng Philippine Embassy sa Lebanon ang pagproseso sa dokumento ng mga Pilipino roon.
Ito ay bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa posibleng pagdedeklara ng Level 4 o mandatory repatriation.
Naglagay na ng One-Stop Shop ang embahada para sa pagseserbisyo sa Overseas Filipino Workers o OFWs.
Ilan kasi sa OFWs sa Lebanon ang hindi dokumentado at isa ito sa maaarint maging hadlang para sa mas mabilis na paglilikas.
Nag-abiso naman ang Philippine Embassy na posibleng mabago ang venue ng One-Stop Shop depende sa sitwasyon.
Mas tumindi pa kasi ang military operation ng Israel sa Lebanon.
Gaganapin ang One-Stop Shop services sa Boghossian Theater, Bourj Hammoud, Lebanon sa darating na Linggo, September 29.
Facebook Comments