Pagproseso sa mga nakuhang ebidensya sa sasakyan na pinaglipatan umano kay Catherine Camilon, inaasahang masisimulan na

Nakuhanan na ng DNA sample ang pamilya ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Ito ang kinumpirma ni PNP-CIDG 4A Chief Police Colonel Jacinto Malinao Jr.

Ayon kay Malinao, sumailalim ang mga magulang at kapatid ni Camilon sa Buccal Swab Collection ng Batangas Forensic Unit kahapon.


Gagamitin aniya ang DNA sample ng mga ito para maikumpara sa nakuhang 17 piraso ng hibla ng buhok at 13 patak ng dugo sa kulay pulang Honda CRV na pinaniniwalaang pinaglipatan sa duguang katawan ni Camilon.

Iginiit ni Malinao na magiging prayoridad nila ang DNA sample upang makatulog sa isinasagawang imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 4A.

Facebook Comments