Ang ang multi-stakeholders’ meeting, na pinangunahan ng DENR at personal na dinaluhan ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Benny Antiporda.
Binigyang diin ni Antiporda ng National Irrigation Administration (NIA) ang kahalagahan ng inter-agency collaboration para matiyak hindi lamang ang proteksyon ng Magat Dam kundi maging ang stability ng kapaligiran at kaligtasan ng mga taong naninirahan sa mababang lugar ng rehiyon.
Inilahad naman ng mga dumalong stakeholders ang kanilang commitment.
Kabilang sa mga rekomendasyon niya ay ang pagsasagawa ng dredging sa reservoir ng dam, na base sa pag-aaral ng Kyoto University ng Japan kung saan nasa 40% hanggang 50% ng silted mula sa kapasidad nito.
Inirekomenda niya rin ang paggawa ng ecological park sa nasabing multi-purpose water infrastructure.
Samantala, sinabi naman ng DENR na magdedeploy sila ng mga forest protection officers na nagmomonitor sa mga illegal forest activities sa watershed.
Habang ang nangako naman si Environmental Management Bureau Region 2, Regional Director Nelson Honrado na magsasagawa ng regular na water quality monitoring sa Magat river.
Nangako rin si Ramon Mayor Jesus Laddaran ng tulong sa NIA sa pamamagitan ng pagpasa ng municipal ordinance na nagbabawal sa paninirahan sa loob ng Dam at i-regulate ang pagdami ng mga fish cage na karamihan ay inabandona sa loob ng watershed.
Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources inatasan na tulungan ang mga mangingisda sa tamang pangangasiwa ng mga fish cage.
Inatasan rin ang kooperatiba ng mga mangingisda na tiyakin ang pagsunod sa mga restriksyon sa mga fish cage sat hikayatin ang mga miyembro nito na kusang-loob na alisin ang kanilang mga bahay sa loob ng reservoir.
Ipinahayag naman ni Isabela 4th District Representative Joseph Tan ang kanyang suporta sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para mapangalagaan ang Magat watershed.
Iminungkahi naman ng Isabela State University ang paglikha ng isang Council na magsisilbing management body na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa downstream communities at mga water agencies.
Habang ang SN Aboitiz sa pamamagitan ng kanilang Corporate Social Responsibility program ay magpapatupad ng mga aktibidad sa pagpapaunlad sa loob ng Magat tributary.
Inirekomenda din ni LPGMA Party List Representative Allan Ty ng paglikha ng isang inter-agency task force na magiging responsable sa pagsubaybay sa pangako ng mga stakeholder.
Nangako rin siyang magbigay ng karagdagang lakas-tao sa DENR at suporta sa pagpopondo sa pamamagitan ng Government Internship Program ng Department of Labor and Employment para sa pagsasagawa ng monitoring at imbentaryo ng reforestation projects na ipinatupad ng NIA sa loob ng watershed.