Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na buo ang kanilang dedikasyon na siguruhin ang protektahan ang interes ng pilipinas at karapatan nito base na rin sa international law at convention.
Ayon sa PCG, kasabay ito ng kanilang mas pinalakas na maritime patrol, search and rescue at law enforcement operations sa West Philippine Sea.
Siniguro din ng Coast Guard na patuloy ang kanilang pagtalima sa panawagan ni Coast Guard Admiral Artemio Abu na sa kabila ng banta sa kanilang pagpapatrolya sa West Philippine Sea ay mananatili silang handa ma gampanan ang kanilang obligasyon.
Hindi lamang para sa kasalukuyan kundi maging sa mga susunod na henerasyon ng bansa.
Matatandaan na dahil sa mas pinatinding presensya at pagpapatrolya ng Coast Guard sa West Philippine Sea partikular sa Kalayaan Island Group ay nakaharap nito ang isang Vietnamese fishing vessel sa bahagi ng Recto bank.
Sa report ng PCG, agad silang nagpadala ng radio challenge sa mga ito at inatasang lisanin ang loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng pilipinas.
Dahil dito, agad umalis ang mga nasabing mangingisda sa karagatan ng Pilipinas habang ginagabayan ng BRP Teresa Magbanua.