Pagprotekta sa mga pinoy sa China laban sa 2019 nCov ,tiniyak ng Chinese Central Government sa DFA

 

Tiniyak ng Chinese Central Government sa Department of Foreign Affairs na tutulungan nito ang mga pinoy at iba pang dayuhan na maprotektahan laban sa banta ng 2019 novel coronavirus.

 

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, araw-araw nang magsasagawa ng live briefings ang China National Health Commission para magbigay ng pinakabagong impormasyon sa international community kaugnay sa 2019-ncov.

 

Handa rin aniyang mamahagi ng supplies at iba pang ayuda ang provincial government ng Hubei sa mga pilipinong naninirahan doon sa pamamagitan ng 24-hour emergency hotlines.


 

Sinabi pa ng DFA na ipinakakalat na rin nila sa migrant workers ang naturang contact numbers.

 

Samantala, nag-alok naman ng immigration assistance ang Chinese Ministry of Foreign Affairs sa mga ofw at iba pang foreign nationals na may expired na visa.

Facebook Comments