PAGPROTEKTA SA TAUMBAYAN MULA SA TERORISTA SA GITNA NG PANDEMYA, PATULOY NA ISINUSULONG SA BAYAMBANG

15

BAYAMBANG, PANGASINAN – Isinasagawa sa Bayambang ang Orientation on Communist Terrorist Group para sa mga miyembro ng Municipal Association of Non-Government Organizations (MANGO) at mga myembro ng Sangguniang Kabataan Federation at Barangay Councils, sa pakikipag tulungan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), sa Lokal na Pamahalaan.

Sinabi ni Municipal Administrator, Atty. Raymundo B. Bautista, Jr. na hindi man direktang nararamdaman ang pagsiklab ng Communist Terrorist Group sa bayan, kailangan pa ring buksan ang isipan sa mga ganitong suliranin sa bansa na sa gitna ng pandemya ay patuloy ang ganitong gawain.

Tinalay din dito ang iba’t ibang impormasyon ukol sa mga Communist Terrorist Group sa bansa na pinangunahan nina Regional Office 1 Chief of Operations, Mr. Joey Tuazon, at Intelligence Officer, Mr. Jhay Peralta.L


ayunin ng orientation na ito na maipabatid sa publiko na magtulung-tulong upang protektahan ang sambayanang Pilipino mula sa mga organisasyong sumisira sa gobyerno.

Facebook Comments