Pagpuksa ng gobyerno sa ugat ng problema sa human-trafficking, pinatitiyak ni Sen. Legarda

Pinatitiyak ni Senate President pro tempore Loren Legarda sa pamahalaan na pupuksain ang ugat ng problema ng human-trafficking sa bansa.

Ito ang nais ng senadora na gawing hakbang ng gobyerno kasunod na rin ng inilabas na report ng US State Department na kung saan nananatili ang Pilipinas sa Tier 1 ranking sa paglaban sa human-trafficking.

Nagpapasalamat si Legarda sa pamahalaan dahil sa patuloy na pagtaguyod ng mga programa at patakaran para labanan ang paglaganap ng human-trafficking sa bansa.


Para mapanatili ang magandang ranking ng bansa laban sa krimen na human-trafficking, nais ng mambabatas na tuluyang mawakasan na ang krimen upang wala nang kababayan ang maaabuso ng mga sindikato.

Partikular na nakikitang solusyon ni Legarda laban sa human-trafficking ay ang patuloy na paghahanap ng paraan na mai-angat mula sa epekto ng kahirapan ang mga mahihirap na kababayan.

Facebook Comments