PAGPULOT NG MGA HINDI SUMINDING PAPUTOK IWASAN AYON SA DOH-CHDI

70

Nagbigay ng paalala ang tanggapan ng Department of Health Center for Health Development 1 ukol sa paggamit ng paputok.

Ayon kay DOH-CHD1 Officer Dr. Rhuel Bobis, iwasan ang pagpulot ng mga paputok na hindi sumindi dahil maari paring pumutok ito, dahil sa mga pulburang karga nito.

Sa tala ng kanilang tanggapan 2 ang naitalang firecracker related incident sa Buong Rehiyon 1.


Isang 32 anyos na lalaki mula sa Ilocos Sur at isang pitong taong gulang na babae mula sa bayan ng Bayambang.

Samantala, payo ng tanggapan sa publiko na huwag na lamang gumamit ng paputok dahil marami namang alternatibong pampaingay sa pagsalubong ng bagong taon. | ifmnews

Facebook Comments