Pagpuna ni VP Leni Robredo sa COVID-19 Response ng pamahalaan, hindi nagustuhan ni Pangulong Duterte

Hindi nagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pagpuna ni Vice President Leni Robredo kaugnay sa mga hakbang ng pamahalaan sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Sa televised public address ng Pangulo, sinabi niyang nakadadagdag lamang ito sa pagiging desperado ng mga tao lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Kasunod nito, nanawagan din ang Pangulo na huwag nilang sirain ang gobyerno dahil apektado rin nito ang mga mamamayan.


Kahapon ay nagbigay ng talumpati si VP Robredo kaugnay sa dapat gawin ng pamahalaan para mapanatili ang kumpiyansa ng ating ekonomiya.

Facebook Comments