Pagpuna sa performance ng DOT, hindi pamumulitika

Iginiit ni Tingog Party-list Representative Jude Acidre na hindi pamumulitika ang pagpuna sa mahinang performance ng Department of Tourism (DOT) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Crsitina Frasco at pagsilip sa marketing arm nito na Tourism Promotions Board.

Diin ni Acidre, ang kanilang pagpuna sa trabaho, pananagutan at paggamit ng pondo ng isang ahensya ay bahagi ng kanilang oversight function na hindi dapat ituring na political attack.

Ayon kay Acidre, hindi ito tungkol sa mga personalidad, katapatan o pagpanig kanino man kundi usapin ng serbisyo publiko at pananagutan at kung paano ginagastos ang inilalaang pondo sa bawat ahensya para tuparin ang mandato.

Dismayado si Acidre na sa halip linawin ni Fransco ang isyu ay mas pinili pa nitong ituring na pamumulitika ang pagkuwestyon sa performance ng DOT.

Paalala ni Acidre, walang ahensya ang dapat makaligtas sa pagsusuri o pagbabantay ng taumbayan.

Facebook Comments