Pagpunta sa Pilipinas ng Bondi Beach terrorist, hindi dapat maliitin

Iginiit ni Manila Second District Rep. Rolando Valeriano sa mga law enforcement at national security agencies na huwag maliitin ang pagtungo sa Pilipinas ng mga teroristang namaril sa Bondi Beach sa Australia.

Giit ni Valeriano, hindi dapat agad ituring na hindi banta sa seguridad ang nabanggit na mag-amang namaril sa Bondi Beach, kung saan 15 ang nasawi.

Panawagan ni Valeriano, alamin at pag-aralan ang financial transactions ng naturang mga terorista bago, habang nasa Pilipinas noong Nobyembre, at nang sila ay makaalis na.

Kaugnay nito, pinaalala ni Valeriano na ang House Committee on Public Order and Safety ay may oversight authority sa Bureau of Immigration (BI), Philippine National Police (PNP), at National Bureau of Investigation (NBI).

Tiniyak ni Valeriano na mahigpit na babantayan ng komite ang imbestigasyon sa pamamalagi sa bansa ng Bondi Beach terrorists.

Facebook Comments