Amerika – Malalaman ni U.S. President Donald Trump sa susunod na linggo kung matutuloy ang nakatakdang pagpupulong nila ni North Korean Leader Kim Jong-un sa June 12 sa Singapore.
Ang mga opisyal ni Trump sa White House ay naghahanda na para sa biyahe nito sa Singapore sa weekend para sa meeting nito sa mga North Korean officials para pag-usapan ang mga magiging agenda ng Summit.
Una nang sinabi ni Trump na may maliit na posibilidad na hindi matuloy o maurong ang U.S-North Korean Summit.
Nabatid na nagbabala ang Pyongyang na hindi sisiputin ang nakatakdang Summit dahil ginawang joint military drills ng Amerika at South Korea.
Facebook Comments