Pagpupumilit ng ICC na imbestigahan ang mga kaso ng pagpatay sa war on drugs, wala umanong kahihinatnan

Iginiit ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na walang patutunguhan ang muling paggiit ng International Criminal Court (ICC), na maimbestigahan ang mga kaso ng pagpatay sa ilalim ng kampanya kontra iligal na droga noong Duterte administration.

Ayon kay Dela Rosa, walang kahihinatnan ang kanilang planong imbestigasyon dahil ang Pilipinas ay wala na sa hurisdiksyon ng ICC.

Maituturing lamang aniyang ‘deadlock’ ang ICC probe dahil wala silang paraan para makapasok sa bansa para magkaroon ng basehan sa ‘impartial’ at totoong imbestigasyon.


Nagbabala rin si Dela Rosa na alam ng pamahalaan ang gagawin kung ipipilit ng ICC na pumasok sa bansa lalo na kung magpanggap na turista at kalauna’y magsasagawa pala ng imbestigasyon sa war on drugs.

Aniya pa mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang naggiit na hindi na muling sasapi ang Pilipinas sa ICC kaya wala aniyang magagawa ang mga ito kung sa huli ay hindi tatalima ang pamahalaan sa kanilang hurisdiksyon.

Facebook Comments