Pagpupursige ng China na maging largest economy sa buong mundo, pinuri ni House Speaker Gloria Arroyo

Nakipagpulong si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kay Chinese Premier Li Keqiang at sa iba opisyal na dumalo sa annual conference ng Bo’ao Forum for ASIA (BFA) sa Hainan, China.

Ito na ang ikalawang taon ni Arroyo bilang board member ng BFA.

Tinalakay sa nasabing pulong ang flagship project ng china, ang “globalization v.2” na kilala rin sa tawag na “belt and road initiative”.


Pinuri ni Arroyo ang pagpupursige ng China na maging largest economy sa buong mundo kung saan nasa 400 Milyong mamamayan nito ang naiahon sa kahirapan.

Patunay aniya ang China na hindi nakabase ang pag-unlad sa isang bansa at sa dikta ng western countries.

Dagdag pa ni Arroyo, pinatunay din ng China sa buong mundo na maaari ring umunlad ang ekonomiya ng bansa sa tulong ng kasaysayan.

Matatandaang sinabi noon ng House Speaker na hindi banta kundi katuwang ng mga developing country gaya ng Pilipinas ang China.

Facebook Comments