PAGPUTOL NG CENTURY OLD TREES SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, INALMAHAN

Hindi pabor ang ilang netizens sa ginawang pagputol sa ilang century old trees sa harap ng isang government office sa San Fernando City, La Union.

Sa naging post online ng Sangguniang Panlalawigan ng La Union, may kaukulang permit mula sa Department of Environment and Natural Resources ang pagpuputol sa puno tulad ng acacia.

Mayroon ding pahintulot mula sa gobernador at idinulog sa Sangguniang Panlalawigan na iminungkahi ng Regional Director ng Civil Service Commission Regional Field Office 1 bago tuluyang maikasa ang pagpuputol sa mga puno.

Giit ng netizens, hindi umano makatarungan ang pagkitil sa mga puno na matagal nagbigay lilim sa publiko gayong maari namang ilipat ang lokasyon ng mga ito.

Ilan naman ang nagsabi na obstruction at nasagasaan ng mga puno ang 10 meters right of way partikular ang mga native trees na lumalago ang ugat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments