Pagputol ng diplomatic relations sa Kuwait, hindi solusyon sa entry ban nito sa mga Pilipino

Para kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, hindi kasama sa mga solusyon sa labor issues sa Kuwait ang pagputol sa diplomatic relations ng Pilipinas sa naturang bansa.

Sinabi ito ni De Vega sa kanyang pagharap sa pulong na ipinatawag ng House Committee on Overseas Workers Affairs kaugnay sa entry ban ng Kuwait laban sa mga Pilipino.

Umaasa si De Vega na hindi ito mangyayari lalo’t mayroon pa tayong mga kababayan sa Kuwait.


Diin ni De Vega, ang relasyon ng Pilipinas at Kuwait ay higit pa sa usapin ng labor o empleyo.

Ayon kay De Vega na patunay nito ang pakikiisa pa rin ng Pilipinas sa Kuwait National Day kahit mainit ang isyu noon ukol sa pagpatay sa kababayan nating si Jullibee Ranara sa naturang bansa.

Dagdag pa ni De Vega, hindi rin natin nais na maulit ang pagdeklara ng Kuwait sa ating ambassador na persona non grata noong 2018 dahil sa pagliligtas ng Philippine government sa mga inabusong Pilipino sa naturang bansa.

Facebook Comments