Pagputol ng ugnayan ng Pilipinas sa Iceland at UNHRC, hindi pa pinal

Naniniwala si Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi pa pinal ang naging pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na hindi puputulin ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Iceland sa kabila ng resolusyon nitong imbestigahan ang human rights situation sa bansa.

Ayon kay Panelo – pwede pa itong magbago hangga’t walang desisyon ukol dito si Pangulong Duterte.

Wala rin aniya siyang nakikitang kontradiksyon sa naging pahayag ni Locsin at ng Pangulo.


Bukod dito, sinabi rin ni Locsin na mananatili ang Pilipinas sa UN Human Rights Council (UNHRC) para turuan ang mga Europeans ng “moral manners”.

Tinawag din nitong “small” at “harmless” ang usapin bagay na sinang-ayunan naman ni Panelo.

Facebook Comments