Pagra-rationalize ng mga ruta ng bus at iba pang PUV, sinimulan na ng LTFRB

Magbibigay lamang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng isang ruta ng bus sa EDSA kapag binawi na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra, gagamitin nila ang COVID-19 crisis bilang pagkakataon para magkaroon ng rationalization sa lahat ng land-based transportation systems.

Paiikliin din ang mga ruta para sa mabilis na turn-around ng mga bus at iba pang Public Utility Vehicles (PUVs).


Sinabi ni Delgra, tanging isang ruta ng bus na lamang ang ilalalaan sa EDSA, habang ang iba pang biyahe ng bus ay kailangan nang magkaroon ng hiwalay at sariling ruta.

Halimbawa, kung ang isang commuter mula Fairview ay pupunta sa Makati, kailangan na nitong sumakay ng bus sa Fairview at ibababa siya sa EDSA, saka siya sasakay ng isang bus hanggang sa makarating ng Ayala, at lilipat sa isa pang bus hanggang sa makarating siya sa kanyang destinasyon.

Ang pagsasa-ayos ng mga ruta ay bahagi ng hakbang ng Department of Transportation (DOTr) na ireporma ang lumang land-based transport system sa Metro Manila.

Facebook Comments