
Kampante ang Department of Energy (DOE) na hindi mauuwi sa fuel rationing o pagrarasyon ng petrolyo ang nararanasang krisis sa petrolyo sa buong mundo.
Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin, ginagawa ng gobyerno ang lahat para masigurong may sapat na suplay ng langis ang bansa.
Sa kabila aniya ng limitasyon sa batas at mandatong ipinagkaloob ng Kongreso sa DOE ay pinaigting nila ang hoarding policy.
Dagdag pa rito ang mga guidelines na kanilang inisyu sa oil companies.
Patuloy rin aniya ang ahensiya sa pakikipag-ugnayan sa Diplomatic Corps para sa posibleng bagong suppliers natin ng petrolyo.
Ngayong linggo, darating sa bansa ang 900,000 barrels ng petrolyong binili ng gobyerno sa Malaysia.
Una nang sinabi ng ahensiya na may sapat na suplay ng langis ang bansa at hindi kailangang mag-panic ng ating mga kababayan.










