Ibinabala ni Senator Risa Hontiveros ang pagtaas ng mga kaso ng pang-aabuso at pagsasamantala sa mga bata sa gitna ng panibagong lockdown sa Pilipinas dahil sa COVID-19 Delta variant.
Iginiit ni Hontiveros sa mga Local Government Units (LGU) na tiyaking bukas ang mga channel upang madaling makapag-report ang mga biktima ng pang-aabusong sekswal o pisikal.
Tinukoy ni Hontiveros na mas marami o nasa 64% ang mga kaso ng sexual abuse kaysa sa physical abuse, batay sa ulat ng Women and Children Protection Units sa mga sa DOH at LGU-supported na opsital.
Hiling ni Hontiveros sa LGUs na talasan ang pagbabantay at maging handa sa agarang pagbibigay ng psychosocial support sa mga biktima.
Nananawagan si Hontiveros na maging responsableng mamamayan at manatiling aktibo sa pagre-report upang labanan ang karahasan at masigurado na walang bata ang nalalagay sa panganib.