Pagre-require ng COVID-19 test sa mga Pilipinong bumibiyahe sa bansa, ipapaubaya na sa mga LGUs

Ipapaubaya na sa mga Local Government Units (LGUs) ang pagre-require ng COVID-19 test sa mga Pilipino para makabiyahe sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Kasunod ito ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa Metro Manila kasama na ang Cebu City na kamakailan lamang ay na-detect ng Philippine Genome Center ang 2 COVID-19 mutation of concern na E484K at N501Y kung saan ang isa dito ay present sa South African variant ng COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, sinabi nito na bagama’t hindi ipinagbabawal ang paghingi ng COVID-19 test, nirerespeto na nila ang desisyon ng LGUs kung ano ang magiging pasya ng mga ito.


Sa ngayon, paliwanag pa ni Nograles magkakaroon na rin ng pagpupulong ang Inter-Agency Task Force (IATF) upang pag-usapan ang pagre-require ng COVID-19 test sa mga Pilipinong nagtutungo sa ibang lugar.

Facebook Comments