Pagre-require ng Police Clearance sa labor-related transactions, hindi sinang-ayunan ng labor sector, government agencies ayon sa DOLE

Hindi pabor sa mga manggagawa, employer at iba pang government agencies ang panukala ng Philippine National Police (PNP) na i-require ang national police clearance (NPC) para sa iba’t ibang labor-related transactions.

Pero sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ang kasalukuyang trend pero hindi pa aniya ito pinal.

Dagdag pa ng kalihim, ang National Economic and Development Authority (NEDA) at Anti-Red Tape Authority (ARTA) ay hindi payag dito.


Wala pa silang pinal na tugon sa PNP dahil kailangang tingnan din ang ibang aspeto tulad ng ease of doing business – na nananatiling prayoridad ng Duterte Administration.

Sa sulat ni PNP Chief Police General Debold Sinas kay Bello na may petsang March 10, 2021, umaasa sila na susuportahan ng DOLE ang National Police Clearance System (NPCS).

Facebook Comments