Pagre-resign ng mahigit 200 empleyado sa St. Luke’s Medical Center, lubhang nakaapekto sa operasyon nito

Aminadong nakaapekto sa operasyon ng St. Luke’s Medical Center ang pagre-resign ng 230 empleyado nito nang magsimula ang taong ito.

Ayon kay St. Luke’s Medical Cetner Employees Association President Roldan Clumia, binawasan na ng ospital ang kanilang bed capacity upang hindi maoverwhelm ang mga natitirang empleyado ng pagamutan.

Ani pa ni Clumia, ilan sa mga dahilan ng pagresign ng mga healthcare worker sa kanilang tanggapan ay pag-aabroad, pangamba na mahawahan ng COVID-19 ang mahal sa buhay at ang pagod na nararanasan ngayong pandemya.


Dagdag pa rito ang benepisyo na pinangako ng Department of Health sa ilalim ng Bayanihan Law na di umano’y hindi pa rin natatanggap.

Isa ang St. Luke’s Medical Center sa mga pangunahing ospital sa Metro Manila na tumutugon ngayong nararanasang COVID-19 pandemic.

Facebook Comments