PAGREBISA NG K-12 PROGRAM, NAPAPANAHON NA AYON SA ACT

Napapanahon na ang Pagrebisa ng K-12 program ng pamahalaan, ayon sa Alliance of Concerned Teachers Partylist.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Act Partylist Representative France Castro, dapat ay noong nakalipas na taon pa isinagawa ang nasabing pag-aaral sa K-12.
Hindi aniya kasi nasunod ang layunin ng K-12 program mula ng ipatupad ito noong 2013.

Madami din aniya silang maipapayo sakaling hilingin ang opinyon ng ACT kaugnay sa kung ano ang mga dapat at hindi dapat alisin sa implementasyon ng K-12 program. |ifmnews
Facebook Comments