Sinuspinde ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang results-based performance management system at performance-based incentive system sa gobyerno para sa muling pagsasaayos at pagsusuri.
Sa Executive Order (EO) No. 61, nakasaad ang duplicative at redundant o mga nagdo-doble na internal at external performance audit at evaluation systems ng RBPMS at PBI systems sa pamahalaan.
Sinuspinde rin ang implementasyon ng Administrative Order (AO) No. 25 at EO No. 80 at iba pang kaukulang issuances kaugnay ng dalawang systems.
Sa ilalim ng kautusan ay bubuo rin ng technical working group (TWG) para sa muling pag-aaral at pagrepaso sa RBPMS at PBI systems kung saan magsisilbing chairperson ang Budget Secretary at co-chairman naman ang Executive Secretary.
Layunin nitong i-streamline, isaayos, at pasimplehin ang bagong performance management system na nakalinya sa government internal audit program.