Pagrepaso sa batas na nagbibigay ng diskwento sa mga senior citizen, PWD at solo parents, pag-aaralan ng Kamara

Pag-aaralan ng House of Representatives ang pag-amyenda sa umiiral na batas o pagbuo ng isang komprehensibong batas ukol sa pagbibigay ng diskwento sa mga senior citizen, person with disability, at solo parent.

Inihayag ito ni Albay 2nd district joey salceda matapos ang ginawang pagdinig ng pinamumunuan niyang House Committee on Ways and Means ukol sa reports na natanggap ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez kaugnay sa hindi tamang pagpapatupad sa 20% discount at 12% VAT exemption sa naturang mga sektor.

Para kay Salceda, mas maigi na pag-isahin na lang ang mga batas na sumasakop sa benepisyo at pribilehiyo ng PWDs, senior citizens at solo parents.


Katuwang ni Salceda sa nabanggit na hakbang si Committee on Senior Citizens Chairman at Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ompong Ordanes.

Ayon kay Ordanes, kailangang maging malinaw din sa batas na ang 20 percent discount sa mga senior citizens ay dapat walang limitasyon at dapat ipagkakaloob din sa mga sales promos.

Sa pagdinig ng Kamara ay lumabas na pangunahing paglabag sa pagbibigay ng naturang 20% discount ang maling computation nito, pagtatakda ng limitasyon, hindi pagbibigay ng discount sa mga online purchases at mga unregistered sellers na hindi talaga nagbibgay ng diskwento.

Facebook Comments