Pagrepaso sa mandato ng Sugar Regulatory Administration, isinulong sa Kamara

Nanawagan si Quezon 2nd District Representative David “Jayjay” Suarez sa mga kasamahang mambabatas na repasuhin ang mandato ng Sugar Regulatory Administration (SRA) alinsunod sa Executive Order No. 18 at Sugarcane Industry Development Act of 2015.

Giit ni Suarez sa mga kapwa mambabatas, masusing pag-aralan kung nagagampanan nga ba nang husto ng SRA ang mandato nito.

Para kay Suarez, tila palpak ang ahensya dahil patuloy pa din tayong nakaasa sa pag-aangkat ng asukal.


Patunay aniya nito ang paglalabas ng SRA sa Sugar Order No. 4 na naglalayong magpasok ng 300,000 metric tons ng imported na asukal sa bansa na umano’y hindi awtorisado ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa katunayan, ayon kay Suarez, sa pulong ng House Committee on Good Governance and Public Accountability ay inamin mismo ni dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica na hindi naging mabuti ang pamumuhay at estado ng mga sugarcane farmers mula nang mabuo ang SRA.

Bunsod nito ay itinutulak ni Suarez na hanapan ng legislative remedy ang SRA upang maisa-ayos ang pamamalakad nito o kaya ay tuluyan nang buwagin.

Facebook Comments