PAGREPASO SA MARKET AT REVENUE CODE NG MANGALDAN, NAGPAPATULOY

Patuloy ang pagpupulong sa mga aspektong kinakailangang ikonsidera upang repasuhin ang Market at Revenue Code ng Mangaldan.

Kabilang sa mga naturang polisiya ang patakaran sa business fees, stall rentals, taxation at operasyon ng pampublikong pamilihan.

Hinikayat din ang pagrepaso sa umiiral na buwanang obligasyon ng mga delinquent stall holders na pinababa sa 0.5 percent mula sa dating 25 percent na nakasaad sa inamyendahang Market Code noong 2017 na nakakaapekto sa revenue collection.

Iminungkahi din ang pagsilip o tax mapping sa mga establisyimento na mayroong iba’t ibang produkto at serbisyo sa iisang stall upang maisyuhan ng tamang kaukulang bayarin.

Sa huli, posible pang magsagawa ng public hearing ang tanggapan sa mga kasaping sektor upang malinawan sa usapin at maipabatid ang kanilang opinyon bago tuluyang ipatupad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments