Isinasagawa ngayon ng Department of Labor and Employment o DOLE ang pagrepaso sa kanilang mga polisiya para maisagawa ng digitalization sa pagproseso ng mga aplikasyon upang mas mapadali ang pagbibigay ng kanilang serbisyo.
Ginawa ng DOLE ang hakbang na ito matapos ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang unang State of the Nation Address o SONA na nais nitong gawing simple ang proseso ng mga serbisyo sa gobyerno at pagpaparating ng tulong sa mga nangangaailangan lalo na sa mga manggagawa sa informal sektor.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla, Director IV ng DOLE Bureau of Workers with Special Concerns na sa ngayon ay katatapos lang ng performance assessment sa mga programa ng DOLE.
Kaya ngayon nakatuon na sila sa pag-digitize ng mga application process at pag-standardize ng mga kailangan para sa mga documentary requirements.