Pagrepaso sa Mutual Defense Treaty, iginiit ni Senator Lacson

Manila, Philippines – para kay Senator Panfilo Ping Lacson, kailangang ng repasuhin ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na naiselyo noon pang 1951.

Ayon kay Lacson, ito ay para matugunan ang pag-okupa ng China sa West Philippine Sea o South China Sea.

Diin ni Lacson, dapat maging malinaw at akma ang nabanggit na kasunduan sa sitwasyon ngayon sa West Philippine Sea.


Ipinunto ni Lacson na nakapaloob sa MDT ang pagtutulungan ng Pilipinas at Amerika kapag ang ibang bansa ang sumalakay o sumakop sa kanilang mga teritoryo.
Pero ayon kay Lacson, hindi malinaw sa kasunduan kung maituturing na pag-atake sa ating teritoryo ang patuloy na pagtatayo ng China Military Structures sa West Philippine Sea sa kabila ng ating panalo sa International Arbitral Tribunal.

Facebook Comments