Para masolusyonan ang mabigat na problema ng bansa sa mataas na presyo ng gasolina ay nagpulong ang iba’t ibang sektor sa Kongreso.
Tinatalakay ngayon ang mga epekto sa ekonomiya kasunod ng pagmahal ng presyo ng gasolina.
Pinangunahan ito ni AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin ang Chairperson ng Economic Affairs.
Kabilang sa pag-uusapan ang epekto nito sa enerhiya, transportasyon, mga bilihin, agrikultura at demand sa petrolyo.
Nabatid na 60 milyong litro ang nakokonsumo ng Pilipinas kada araw.
Ayon sa Department of Energy (DOE), sapat naman ang supply ng gasolina sa bansa kung saan mayroon pang nakaimbak na hanggang sa 40 araw.
Pero bagama’t tuloy-tuloy ang pagdating ng gasolina sa bansa ay hindi naman kontrolado ang mataas na presyo nito.
Sa katunayan, ₱8.75 na ang itinaas sa gasolina sa nakalipas na dalawang buwan.
Mas mataas naman ng higit sa ₱20 kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong buwan ng Marso.
Kabilang sa long-term solution na nakikita sa isinagawang pagdinig ang pansamantalang pagsuspinde sa excise tax sa gasolina.
Hinihiling din ng DOE sa Kongreso na himayin at maamyendahan ang Oil Deregulation Law dahil naniniwala ang kagawaran na nasa kamay ng Kongreso ang usapin na ito.
Naghain anila sila ng proposal kaugnay rito upang maamyendahan ang Oil Regulation Act at TRAIN Law.
Habang ang short-term naman na ginawang hakbang ng gobyerno ay ₱1 hanggang ₱4 na promotional discount programs ng mga oil company.