Pagrepaso sa sistema ng budget allocation sa lahat ng distrito sa bansa, tiniyak ng DPWH

Tiniyak ng pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na rerepasuhin nito ang sistema o formula sa paglalaan ng pondo sa lahat ng distrito sa bansa.

Sa budget hearing ng House Committee on Appropriations ay sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na layunin nito na masiguro ang patas at angkop na distribusyon ng pondo.

Tugon ito ni Dizon sa suhestyon ni Batangas Representative Leandro Legarda Leviste na dapat gawing equitable o pantay-pantay ang alokasyon ng pondo, batay sa populasyon at land area ng bawat lugar.

Samantala, proud naman si Dizon sa kanilang nabuo na revised 2026 budget proposal na nagkakahalaga ng P625 billion na 30% na mas mababa sa orihinal na nakapaloob sa National Expenditure Program na P881 billion.

Sabi ni Dizon, sa bagong proposed budget ay inalis na nila ang mga duplicate project, mga nakumpleto nang proyekto, overlapping sections sa road projects, rock netting, cat’s eye at studs projects.

Facebook Comments