Pagrerebisa sa K-12 curriculum, isinagawa ng DepEd

Nirebisa kamakailan ng Department of Education (DepEd) ang kasalukuyang kurikulum ng K to 12 Program.

Ayon kay Vice President at DepEdSecretary Sara Duterte-Carpio, ipipresenta nila ang nasabing review sa mga sektor pagkatapos itong isangguni sa management at executive committee.

Pinaplano rin ng ahensya na baguhin ang nasabing kurikulum, pero maaaring tumagal pa ng tatlong taon bago ang implementasyon nito.


Samantala, kasalukuyang sinisilip ng ahensya ang kurikulum sa senior high school na nakatakdang marebisa sa 2023.

Facebook Comments