Pagreretiro ng OFW sa mga Probinsya, Panawagan ng ULAP

Cauayan City, Isabela- Hinimok ni Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) National President at Quirino Gov. Dax Cua ang lahat ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na magretiro sa kani-kanilang bayan habang tinatamasa ang ‘buhay probinsya’.

Ito ay sa kabila ng panawagan ng ilang sektor sa pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW).

Inihayag din ni Cua sa lahat ng local government units (LGUs) na bumuo ng ilang insentibo at programa para sa mga itinuturing na bayani.


Sinabi pa ni Cua ang ilang kalamangan sakaling magretiro sa probinsya mula sa labas ng Metro Manila dahil sa nakakarelaks na kapaligiran,mababang gastos ng pamumuhay at iwas sa trapiko.

Ipinunto rin ng opisyal ang ilang sitwasyon gaya ng gastos sa pag-aari maging pagkain sa probinsya ay higit na malayo sa mababang halaga kung ihahalintulad sa Metro Manila.

Idinagdag din ng dating mambabatas na mas pinabilis na ang usapin ng telecommunication sa bansa halimbawa nalang ang pagreretiro sa sariling bansa ay higit na hindi na mararanasan ang pagiging ‘disconnected’ lalo na sa kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan abroad.

Binigyang diin ni Cua na kailangang kumbinsihin ng mga LGU ang mga retirado na mas mahusay silang pagsilbihan upang mamuhunan sa mga lalawigan particular ang pagkakaroon ng bukid sa halip na tradisyunal na pamumuhunan tulad ng pagmamay-ari ng Metro Manila.

Facebook Comments