Pagresolba ng mga isyu ng pamahalaan at Bangsamoro government, pinamamadali ni Pangulong Marcos

Agad na pinareresolba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa inter-government relations body ang mga isyu sa pagitan ng pamahalaan at bangsamoro government, kasunod ng nalalapit na 2025 midterm elections at Bangsamoro parliament election.

Sa ikatlong Intergovernmental Relations Body (IGRB) progress report, iniutos ni Pangulong Marcos kina Budget Secretary Amenah Pangandaman at Bangsamoro Minister of Basic, Higher and Technical Education Mohagher Iqbal, na isapinal ang manual of operations ng IGRB at resolusyon ng mga isyu.

Naniniwala rin ang pangulo na nasa tamang direksyon ang gobyerno sa pagtugon sa mga isyu at pagtataguyod ng mas payapa at masaganang BARMM.


Samantala, ibinida naman ni PBBM ang mga naisakatuparan ng mga mekanismo ng inter-government body tulad ng commissioning o pag-anib sa PNP ng mga dating miyembro ng MILF at MNLF, at mga prokalamasyong nagbigay ng amnestiya sa mga dating rebelde.

Kasama rin dito ang pag-turnover ng ilang assets ng pamahalaan sa Bangsamoro government, at ang paglagda sa petroleum service at coal operating contracts.

Facebook Comments