Nanindigan ang Commission on Elections (Comelec) na hindi nila inaantala ang pagresolba sa disqualification case laban sa Smartmatic.
Ito ang reaksyon ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa pahayag ni dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Eliseo Rio na dine-delay ng poll body ang desisyon sa kanilang inihaing petisyon.
Ayon kay Garcia, sa katunayan ay may nalalapit na silang desisyong ilalabas tungkol sa kaso.
Lahat aniya ng sinasabi laban sa Comelec ay mga rehash na pahayag na lamang at nasagot na nila ito sa mga forum.
Dagdag pa ni Garcia, kung sila ay maghihigpit ay maaari nila itong i-contempt alinsunod sa sub judice rule, pero mahaba ang kanilang pasensya kaya’t pagtutuunan nila ng pansin ang kinahaharap na isyu.
Ang interes din aniya ng bansa ang kanilang pinahahalagahan at walang sinuman ang dapat manguna rito.