Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na mamadaliin na nila ang pagresolba sa mga nakabinbin na kaso sa poll body.
Ayon kay COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan, napagkasunduan nila sa En Banc at sa divisions na i-expedite ang pagresolba sa petitions na nakahain sa komisyon.
Kabilang na rito ang mga petisyon na humihiling na mabasura ang kandidatura ni presidential aspirant Bongbong Marcos.
Bibigyan din ng prayoridad ng COMELEC ang exemption petitions para sa pagpapalabas ng pondo tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health.
Facebook Comments