Pagresolba sa pending incidents kaugnay ng Marcos election protest, pinareresolba sa Korte Suprema ng kampo ni VP Leni Robredo

Pinareresolba na ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa Supreme Court (SC) na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang lahat ng pending incidents kaugnay ng poll protest ni dating Sen. Bongbong Marcos.

 

Sa 13-pahinang urgent motion to immediately resolve all pending incidents na inihain ng abogado ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal,nakasaad dito na nais daw nilang patunayan na sila mismo bilang respondent ay ayaw nila na naa-antala ang pagresolba sa kaso.

 

Iginiit din ni Macalintal na wala talagang naganap na dayaan sa nakalipas na Vice Presidential race dahil nagtutugma naman daw ang resulta ng recount at revision ng mga balota sa resulta na lumabas sa Vote Counting Machine (VCM).


 

Sa katunayan, base raw sa mga balotang galing sa tatlong pilot provinces na kinuha ng PET, lumalabas na la-mang pa raw si Robredo ng 15,000 sa mga nabanggit na probinsya

 

Dahil dito, nais ni Macalintal na maresolba na ang protesta sa lalong madaling panahon dahil tatlong taon na rin aniya silang naghihintay ng desisyon.

Facebook Comments