Pagresolba sa problema sa hazing, hindi lang daw problema ng PNP

Manila, Philippines – Hindi lamang problema ng Philippine National Police ang pagresolba sa patuloy na paglabag sa anti-hazing law.

Ito ang iginiit ni PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos matapos na masawi ang isang estudyante na si Horacio Tomas Castillo III dahil umano sa hazing.

Iginiit ni Carlos na dapat ay may mahigpit na koordinasyon sa Philippine National Polic ang mga unibersidad at colleges kung saan maraming fraternities.


Sa ngayon, tanging pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Castillo ang kanilang magagawa.

Iimbestigahan aniya ngayon ng pulisya kung homicide o murder ang isasampa sa mga salarin.

Mismong Manila Police District ang nakatutok sa kaso.

Facebook Comments