Pagrespeto sa karapatang-pantao sa mga border control point, tiniyak ng PNP

Tiniyak ng hanay ng Philippine National Police (PNP) na irerespeto nila ang karapatang-pantao sa mga border control point papasok at palabas ng National Capital Region (NCR) Plus.

Kasunod ito ng nalalapit na pagsasailalim sa Metro Manila sa Enhanced Community Quaratine kung saan tanging ang mga Authorized Person’s Outside Residence (APOR) lamang ang papayagang makapasok sa rehiyon.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Ronaldo Olay, mahigpit ang naging bilin ni PNP Chief General Guillermo Eleazar sa kanilang buong hanay na maging magalang sa publiko.


Nabatid na nitong linggo, sinimulan na ng PNP ang pagbabantay sa mga checkpoint matapos maglabas ng kautusan ang Department of the Interior and Local Government
(DILG) na nagdidirektiba sa Joint Task Force COVID Shield upang higpitan na ang pagbabantay sa border ng NCR.

Facebook Comments