Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na kuntento ang Japan Disaster Relief (JDR) Expert Team sa oil spill response ng gobyerno sa oil spill sa Oriental Mindoro.
Ayon sa team, angkop ang direksyon na ginagawa ng Pilipinas sa oil spill sa lalawigan.
Hiniling naman ng PCG sa Japanese experts na bigyan sila ng opisyal na ulat sa kanilang ‘offshore at shoreline assessment’ sa oil spill.
Bukod sa paglalaan ng kapabilidad sa imbestigasyon at pag-alalay sa pag-alis ng langis, nagbigay rin ang gobyerno ng Japan ng mga equipment tulad ng ‘oil blotters, oil snares, oil-proof working gloves’ na ginagamit ngayon ng National Strike Force (NSF) team sa kanilang clean-up operations.
Inihayag naman ni Japan Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa na ang tulong ng Japan ay dahil sa magandang relasyon ng Pilipinas at Japan para sa ‘humanitarian’ at proteksyon sa ‘marine environment’.