PAGRESPONDE SA MGA KASO NG FOOD POISONING, PINALALAKAS SA MANAOAG

Pinalakas sa bayan ng Manaoag ang mas mabilis at mahusay na pagresponde sa mga kaso ng food poisoning sa pamamagitan ng isang capacity-building session na inorganisa ng bilang bahagi ng pag-obserba ng National Poison Prevention Awareness Month.

Dinaluhan ng mga Barangay Health Workers (BHWs) ang aktibidad na naglalayong palawakin ang kanilang kaalaman sa tamang pagresponde sa insidente ng pagkalason, kabilang ang wastong first-aid at mga dapat isagawang emergency protocols.

Nagbigay naman ng lectures ang mga eksperto mula sa Region 1 Medical Center Toxicology Center na tumalakay sa iba’t ibang uri ng poisoning, tamang pag-handle ng pasyente, at mga hakbang upang maiwasan ang ganitong mga insidente sa komunidad.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pagsasanay ay bahagi ng patuloy na hakbang upang matiyak na handa ang mga barangay frontliners sa pagtugon sa mga insidenteng maaaring makaapekto sa kalusugan at kaligtasan ng mga residente. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments