PAGRESPONDE SA MGA NAI-STRANDED NA MARINE MAMMALS SA ILOCOS REGION, PINAIIGTING

Nanindigan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1 na paiigtingin ang hakbang nito sa marine conservation at pagresponde sa mga nai-stranded na mammals sa baybayin ng rehiyon.

Batay sa isinagawang survey sa Lingayen Gulf at baybayin ng kalakhang Ilocos, nanguna ang Pangasinan sa lugar na may pinakamataas na bilang ng naitatalang stranded na iba’t-ibang uri ng dolphins.

Sa isang pagpupulong ng mga ahensya ng gobyerno, binigyang-diin na nararapat na paigtingin ang pagpapatupad ng mga ordinansa patungkol sa response, rehabilitation at proteksyon sa habitat ng mga marine animals.

Matatandaan, nitong buwan isang dambuhalang butanding ang nalambat ng mangingisda matapos napadpad sa Lingayen Beach. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments