Pagroronda at Martial law malaking bagay sa pagbaba ng krimen sa Cotabato city

*Malaking tulong ang ginagawang Ronda ni Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi at ni City PNP Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio para masungkit ang second safest City sa buong pilipinas dahil sa mababang naitalang insedente ng krimen sa nakalipas na first quarter ng 2018.*
*Sinabi ni Col.Octavio, na walang naitatalang krimen mula alas diyes ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw dahil sa kanilang pagroronda. Nakatulong din raw ang Martial Law sa Mindanao kung kayat nag aalinlangan yung mga masasamang loob na gumawa ng krimen. Siyay nagpasalamat sa mga partner nila lalo na ang Task Force Kutabato, 5rh Special Forces Battalion, mga barangay tanods at kapitan at mga force multipliers.*

Facebook Comments